Isyu sa Basura

ISYU SA BASURA



-Alam mo ba na ang BASURA ay isa sa pinakamalaking problema ng ating bansa?
-Saan nga ba Nanggaling ang mga Basurang ito?
-Paano natin maiiwasan ang mga ganitong klaseng Problema?
-May magagawa bang solusyon ang gobyerno sa problema sa basura?

  Ang pagtapon ng Basura kung saan-saan ay napakalaking perwisyo sa mga mamamayan at pati na rin sa kapaligiran, ito ay maaring magresulta ng pagkasira ng ating Kalikasan, at pwedeng magdulot ng polusyon sa hangin, tubig at pati na rin sa kalupaan.

  Nakakabahala ang mga ganitong klaseng problema, eksep sa nakakasira na sa kalikasan, pwede rin itong magdulot ng malulubhang sakit sa karamihan.

  Sa kadahilanan ng maruming kapaligiran na dulot ng basura, pwede itong pamugaran ng mga lamok na pwedeng magdala ng nakamamatay na sakit tulad ng Dengue, Zika Virus at iba pa.
 
  Ang Basura ay pwede ring magbara sa mga kanal at estero na maaring magresulta ng mabilisang pagbaha na nagdadala ng iba’t-ibang uri o klase ng sakit.

  Galit tayo kung mabaho ang kapaligiran, galit tayo dahil sa baha, pero hindi natin alam na tayo rin ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito.
  Dahil sa mga taong iresponsable sa kalinisan ng kapaligiran, lahat ng ito’y nangyayari, sa bawat basurang itinatapon kung saan-saan, may masasamang delubyo ang pwedeng isukli ng kalikasan.

  Pwede namang maiwasan ang mga ganitong klaseng problema, panatilihing malinis ang kapaligiran, itapon ang mga basura sa tama nitong lalagyan, at tiyak na magagandang pangyayari ang isusukli ng ating kalikasan. Wala namang imposible kung ang lahat ng tao ay magtutulungan, dahil para lang rin sa ikakabuti ng kalahatan, at para na rin walang mamerwisyo na problema dahil sa basura.

  Ayong sa aming lugar na kasalukuyang naming tinitirhan, merong anonsyo ang gobyerno sa problema sa basura. Merong Batas na ipinapatupad sa aming lugar  na tinatawag naPersuant to City Ordinance No. 11-2017 ‘ Ecological Solid Waste Management Code of Tandag City’.” sa lugar ng Tandag City, Surigao del Sur. Ayun sa Batas na ito, pinaghihiwalay-hiwalay ang iba’t-ibang klase ng basura, at may mga tamang lalagyan ang mga ito. Nasaad rin sa Batas na ito ang bawat tahanan, istablishemento at ibat’-ibang uri ng tindahan ay dapat merong higit sa limang(5) basurahan sa kailang pwesto, At ang hindi sumunod sa Batas ay maaring  makasuhan at mapagmulatahan ng malaking halaga ng pera.

  Siguro lahat tayo nasubukan ng magtapon kung saan-saan, pero sana kung maari wang nang ulit-ulitin. Dahil hindi lang ang kalikasan ang marunong maghiganti, pati na rin ang gobyerno.
  So? Ang tanong ko, magtatapon pa o di na? Wala naman mawawala sa’yo kung itapon mo sa tamang lalagyan ang basura. Hindi lang naman sa ikabubuti mo eh, para na rin sa ikabubuti ng lahat. ^_^

Mga Komento